Many of us have already heard or are familiar with the 10-20-70 financial strategy.
However, based on many conversations I have had with people, I get the feeling that while people almost unanimously agree that it is a good strategy; it is also quite difficult to actually execute consistently. Well, the interesting thing I have noticed is that most, if not all, of the people who find difficulty with the strategy share one thing in common: They started at 10-20-70.
What do I mean by this?
Kung balak mong sundin ang 10-20-70; huwag kang magsimula doon. Don’t start there; end there.
Para kasing pagpupunta ‘yan sa gym. Kung baguhan kang nagpunta sa gym, makikita mo ang maraming tao na nagbubuhat ng mabibigat na barbell at gumagawa ng mahihirap na ensayo. Ngayon, kung makikipagsabayan ka sa mga ‘yun, malamang masasaktan ka lang kasi hindi kakayanin ng katawan mo ang mga ginagawa nila. At pag nasaktan ka na, malamang ay hihinto ka at hindi na babalik.
Ganun din sa 10-20-70.
Tandaan natin, sa 10-20-70, ibig sabihin nito ay magbabawas tayo ng 30 porsyento sa ating mga ginagastos. Unang tanong, alam mo ba ang mga ginagastusan mo? At pag alam mo na; alin dun ang babawasan mo?
Syempre, ang pinakasimple ay magbawas ng 30% sa lahat ng bagay. Pero hindi yan praktikal sa tunay na buhay.
Halimbawa: Allowance ng mga anak, bayad sa kuryente, tubig, gasoline atbp. Halos imposible para sa isang tao na bigla na lang sabihing: “Sige, magbabawas na tayo ng 30% ng paggamit ng tubig / gasolina.” O di kaya’y “Anak, babawasan ko ng 30% ang allowance mo.”
Ngayon, kung hindi mo kayang bawasan ng 30% ang lahat ng gastos mo, ibig sabihin nito ay magbabawas ka ng higit 30% dun sa mga bagay na kaya mong bawasan. Mahirap yang gawin nang biglaan – malamang masasaktan ka at ang pamilya mo.
Kaya, kung balak mong sundan ang 10-20-70 strategy, huwag mo itong biglain. Dahan-dahan mo itong gawin. Sa totoo lang, malamang ay aabot ka ng higit isang taon bago mo ito talagang magawa dahil kakailanganin mong baguhin ang pang-araw-araw na buhay mo at ng iyong pamilya.
Gaya ng nasabi ko sa simula, pagdating sa 10-20-70; Huwag magsimula doon; sa halip, doon magtapos.
Leave a Reply