Ano ang “Bear Market”?


BY AYA LARAYA

BEAR

Dala ng patuloy na pagbagsak ng Philippine Stock Exchange (PSE) Index, marami ang nagtatanong kung “Bear Market” na ba ito. Merong sumasang-ayon, at merong hindi. Kaya, ano ba talaga ang “Bear Market” na yan?

Ang depinisyon ng Bear Market ay ang malaki at patuloy na pagbaba ng presyo ng stocks at ang pananatili nito sa mababang lebel sa mahabang panahon. Gaano kalaking pagbaba? Higit sa 20%. Gaano katagal? Medyo may pagtatalo pero ang kadalasang sinasabi ay higit sa 3 buwan.

Ngayon, gamitin natin ang depinisyong yan sa Philippine Stock Exchange(PSE) Index. Kapag ginamit ang all-time high ng Philippine Stock Exchange (PSE) na 8,136 noong 2015 at binawasan ito ng 20% — 6,508 ang makukuha mo. At dahil binasag na ng Philippine Stock Exchange (PSE) Index ang lebel na ito, pwede na simulang sabihin na Bear Market ito.

Ang titignan na lang natin ngayon ay kung mananatili sa mga lebel na ito ang Philippine Stock Exchange (PSE) Index sa mga susunod na buwan. Kung oo, kumpirmasyon nga yan na Bear Market na nga ito.

Syempre, ang susunod na tanong eh, kailan muling aakyat ang market pero para masagot yan ay kailangan munang maintindihan ang dahilan kung BAKIT ba nalaglag ito. :)

#AralMunaBagoInvest

Sa ibang balita:
Star Wars: The Force Awakens is now #3 movie in terms of all-time box-office. :)

aya-description3

 

neww