Kung ngayon ka pa lang nakakaranas ng ganitong pagbagsak sa stock market, ito ang ilang bagay na pwede mong pag-isipan
1. Bahagi talaga ito ng proseso ng stocks. Hindi laging umaakyat ang market. May mga panahong nalalaglag ito ng malaki. At sa totoo lang, hindi pa din gaanong malaki ang mga laglag na ito kung titignan mo ang kasaysayan ng stocks sa Pinas.
2. WALANG nakakasiguro kung hanggang saan o hanggang kailan itong pagbabang ito. Malay mo baka bukas umakyat na. Pwede ring malaglag lalo though.
3. Hindi ito panahon para biglang maging “long-term” investor ka kung nagsimula ka bilang trader. Kung trader ka talaga, disiplinahin mo ang sarili mong mag-cut-loss. Bahagi yan ng pagiging tunay na trader.
4. Kung nag-cocost-averaging ka naman, hindi ito panahon para biglang baguhin ang schedule o halaga ng pagbili. Again, disiplina kailangan. Magtiwala ka sa sistema.
5. Kung nasa mutual funds o UITF ka, basahin mo ulit yung fund fact sheet ng fund mo. Intindihin mo kung ano hawak ng fund mo para hindi ka magulat kung sakaling bumagsak ito sa mga susunod na araw.
6. Bago po tayo gumamit ng katagang “Bear Market” o crash, pag-aralan po muna natin ng maigi. Hindi basta-basta ang tunay na bear market. Ingat din po tayo sa pagsasabing “Sana mag-crash market para makabili ng mura.” Para po kasi yang pagsabi ng “Sana magka-baha / lindol / sunog para makabili ako ng mura.” MARAMI po ang magdudusang mga tao na walang kinalaman sa stock market pag nangyari yan.
7. Hindi rin ito dahilan para HINDI mag-invest. Tamang matakot ka din sa nangyayari kaya mga mag-aral para mabawasan ang takot.
8. Huwag manghinayang kung hindi ka nakabenta sa tuktok. Kung kumikita ka pa din sa ngayon, bakit hindi ka magbenta ng BAHAGI at mag-enjoy ka naman. Walang masama i-enjoy ang pinaghirapan. At wag mo’ng kalimutang turuan ang mga kaibigan mo imbis na magbalato.
9. Kung ikaw naman yung BUMILI sa tuktok, balikan mo ang dahilan mo kung bakit mo binili yung stock. Kung valid pa din yung dahilan, tuloy mong hawakan. Kung hindi na, pag-isipan mo nang ibenta.
At higit sa lahat…
10. Iwasan ang pag-gamit ng Facebook Analysis (hindi ako gumawa ng term na yan, nabasa ko lang LOL ). Mag-aral ng maayos para naman mapangalagaan mo ang perang pinaghirapan mo.
In other news: Rhian Ramos to replace Marian Rivera in GMA’s upcoming primetime soap due to Marian’s pregnancy.
Ano po yung mutual fund ?

Ano po yung mga characteristics nya?
Ano po yung kinaibahan nya sa ibang investments like buying stocks?