Ok Pa Ba?


Ngayong malapit na naman sa 8,000 ang PSE Index, marami ang nag-iisip kung ok pa bang pumasok sa stocks. Nakakatakot nga naman kung papasok ka at biglang bubulusok pababa ang merkado. Pero kung hindi ka naman pumasok ngayon at tuluyan namang tumaas ang index ay siguradong manghihinayang ka din. So, ano ba pwede mong gawin?

Ang maikling sagot ay: Mag Peso-Cost Averaging ka ng isang magandang kumpanya. :)

Pero epektibo ba talaga ito?

Para sa mas mahabang sagot, balikan natin ang kasaysayan ng PSE mismo sa nakaraang 30 taon.

Pansinin ninyo yung index noong 1987, 1989, 1997, 2007 at 2013.  [Read more…]


April 20, 2015


Kung ngayon ka pa lang nakakaranas ng ganitong pagbagsak sa stock market, ito ang ilang bagay na pwede mong pag-isipan

1. Bahagi talaga ito ng proseso ng stocks. Hindi laging umaakyat ang market. May mga panahong nalalaglag ito ng malaki. At sa totoo lang, hindi pa din gaanong malaki ang mga laglag na ito kung titignan mo ang kasaysayan ng stocks sa Pinas.

2. WALANG nakakasiguro kung hanggang saan o hanggang kailan itong pagbabang ito. Malay mo baka bukas umakyat na. ;) Pwede ring malaglag lalo though.

3. Hindi ito panahon para biglang maging “long-term” investor ka kung nagsimula ka bilang trader. Kung trader ka talaga, disiplinahin mo ang sarili mong mag-cut-loss. Bahagi yan ng pagiging tunay na trader. :)
[Read more…]


Kung Maibabalik Ko Lang


BY TONI TIU
Ang pamagat ng kwentong ito ay hiniram sa isang napakasikat na kanta nung 1980s. Ang una niyang linya ay “Sayang ang mga sandaling pinalipas ko…” Bagay na bagay sa usapan natin. Ang ikekwento ko ngayon ay hindi kwentong pag-ibig. Ito ay ang kwento ng mga leksyon na sana’y natutunan ko nung kabataan ko, para mas napaaga ang pag-alaga ko sa aking ipon.

Kung maibabalik ko lang [Read more…]


Usapang Insurance at Mana Part 2


mana 2Bago po tayo tumuloy, ilang bagay muna ang kailangan klaruhin. Una, insurance ang pinag-uusapan natin dito. Ibang-iba ito sa pre-need na nag-collapse nung 1990’s. Pangalawa, HINDI imposibleng bumagsak ang isang insurance company sa darating na panahon. Pwedeng mangyari yan – lalo na kung bobo o kurakot ang nagpapatakbo nito. Pero kahit anong negosyo naman ay pwedeng bumagsak talaga di ba?

manas 2
Anyway, tuloy ang usapan…. [Read more…]


Usapang Insurance (at Mana) Part 1


mana
Halos lahat ng financial agent, adviser, advocate at kung ano pa ay naniniwalang kailangan ng isang tao ng insurance. Lalo na ng life insurance. Kaso, kapag tanungin mo ang karaniwang Pinoy, marami sa atin ang hindi kumukuha nito. Para sa marami, para daw nagtatapon ng pera kasi hindi naman kailangan. Andyan din yung kakulangan ng tiwala sa mga nagbebenta ng insurance – sa totoo lang maraming kwento at tsismis ang nagkalat tungkol sa mga ahenteng nawala na lang matapos makabenta. Kaya, sa pagkakataong ito, tignan natin ng mabuti ang insurance at pag-usapan ito.

insurance at mana
[Read more…]


Kung Bibili Ka ng Condo…


bibili
Isa sa mga pinaka-popular na investment ngayon para sa mga Pinoy – lalo na sa mga OFW, ay ang pagbili ng condo. Halos mula sa paglapag sa airport hanggang sa mga mall ay may mga nag-aabot ng mga flyer at brochure na nagbebenta ng iba’t-ibang condo project. Ngayon, kung ikaw ay nag-iisip na bumili ng condo, ito ang mai-papayo ko sa iyo.

Ngayon pa lamang sabihin na natin ito: totoong magandang investment ang condo KUNG pinag-isipan ito ng maayos. Gaya nga ng lagi naming sinasabi #aralmunabagoinvest kaya huwag na huwag maglabas ng pera para sa condo para lang maki-uso sa ibang mga kaibigan. Sa halip, pag-isipan at pag-aralan ang mga sumusunod.

condo [Read more…]


Tipid Araw-Araw


TipidBY TONI TIU
Mahirap magtipid. ‘Yan ang iniisip ko dati, kaya naman hirap talaga ako magtipid. Pagdating ng sweldo, kung anu-anong style na ang sinubukan ko. Nasubukan ko ang “50/30/20 budgeting rule.” Ang ibig sabihin nito ay maglalagay kayo ng 50% ng inyong kinikita sa mga necessities or araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, kuryente, upa sa bahay, damit. Ang 20% naman ay ilagay sa long-term savings o pambayad ng utang, tulad ng car loan. Ang 30% naman ay para sa “lifestyle choices.” Ito yun mga hindi naman kailangan talaga ngunit nakakapagbigay saya kahit papaano – pagkain sa labas, bayad sa cellphone, bakasyon, etc. Sinubukan ko ito ng ilang buwan at epektibo naman ito.

Pero may isa akong natutunan na technique na mas epektibo. Ito ay ang pagtala araw-araw ng aking gastos.

Sinubukan ko ito noong Pebrero. Bawat labas ng pera sa aking bulsa ay tinala ko sa isang maliit na notebook. Heto ang ilang mga halimbawa mula sa aking mga record:

Tipid Araw Araw
[Read more…]