Season’s Greetings everyone. Haven’t posted in a while but now that school’s out, here is something to think about for 2016.
Barring a rather major rally, it looks like the Philippine Stock Exchange (PSE) will close down for the year. It is currently down over 5% for the year so malamang na marami sa mga taong nagsimulang mag-invest sa stock market sa taong ito ay nalulugi. Kung isa ka sa mga iyan at medyo nababahala ka na eh dapat sigurong pag-isipan mong muli kung angkop ba sa iyo ang stock market. smile emoticon Ang mga panahong ito ay bahagi talaga ng stocks so kailangang tanggapin at pagplanuhan mo ito ng maayos. Hindi palagi ang pag-akyat ng market.
That being said, here is a picture that is causing a LOT of concern in world financial markets. While we DO benefit from lower oil prices, oil-exporting countries suffer. And the worry is that MANY Filipinos — especially OFW’s in the Middle East depend on healthy oil prices for their jobs and consequently, so do their families back home.
Ang tanong ngayon is kung humina or bumagsak ang ekonomiya ng mga oil-exporters sa Middle-East, ano mangyayari sa mga Pinoy dun? May mababalikan ba sila dito? At kapag kumonti na ang mga Pinoy na nagpapadala ng pera dito, paano na ang ekonomiya natin?
Feel free to share — especially if you have friends or family working in the Middle-East. Dapat maghanda talaga sila dahil dito.