Isa sa mga pinaka-popular na investment ngayon para sa mga Pinoy – lalo na sa mga OFW, ay ang pagbili ng condo. Halos mula sa paglapag sa airport hanggang sa mga mall ay may mga nag-aabot ng mga flyer at brochure na nagbebenta ng iba’t-ibang condo project. Ngayon, kung ikaw ay nag-iisip na bumili ng condo, ito ang mai-papayo ko sa iyo.
Ngayon pa lamang sabihin na natin ito: totoong magandang investment ang condo KUNG pinag-isipan ito ng maayos. Gaya nga ng lagi naming sinasabi #aralmunabagoinvest kaya huwag na huwag maglabas ng pera para sa condo para lang maki-uso sa ibang mga kaibigan. Sa halip, pag-isipan at pag-aralan ang mga sumusunod.
Una, kaya mo ba talagang bayaran yan?
Karamihan sa mga condo ay binibili sa pamamagitan ng mga “housing loan” mula sa mga bangko o developer mismo. At lahat ng mga ito ay pinapatungan ng interes. Kahit sabihin pang 0% yan. Kaya, siguraduhin mo sa sarili mo na kaya mo talagang bayaran ito. Paano? Tignan mo kung gaano katagal mo itong babayaran at tanungin mo kung walang malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay mo sa loob ng panahong iyon.
Halimbawa: Kung ikaw ay isang OFW at 10-taon mong babayaran yung inutang mong pambili sa condo, sigurado ka bang may trabaho ka abroad sa buong 10-taon na iyon? Ano gagawin mo pag nawala kontrata mo o pinauwi ka na lang? O kaya, kung single ka ngayon at kaya mong bayaran, paano kung bigla kang nagka-pamilya sa loob nung 10-taon na dapat kang nagbabayad sa condo? Kaya mo bang pagsabayin ang pagkakaroon ng bagong pamilya at pagbabayad sa condo?
Laging tandaan na HIGIT sa inutang mo ang total na babayaran mo kaya dapat klarong-klaro sa iyo kung saan manggagaling ang pambayad mo dito.
Pangalawa, bilang may-ari ng condo, kakailanganin mo nang magbayad ng real-estate taxes o amilyar kada taon.
Magkano? Depende yan sa lokasyon at laki ng condo unti mo. Pwede kang makakuha ng estimate kung magkano babayaran mo mula sa city hall o sa developer mismo. Ngayon, ang tax na ito ay KAILANGAN talagang bayaran dahil kakasuhan ka ng City Hall kapag hindi mo ito inasikaso. Kaya, kung nasa abroad ka, sino mag-aasikaso niyan para sa iyo dito? Siguraduhin mong kapag may inatasang kang magbayad niyan para sa iyo ay makakakuha ka ng resibo. Itago mo yun. At bago ko malimutan, MADALAS mangyari na hindi ka pa tapos magbayad sa utang mo ay nagbabayad ka na din ng amilyar.
Pangatlo, kasama ng amilyar, lahat ng mga condo ay naniningil ng condo dues buwan-buwan.
Depende ito sa laki ng condo at sa dami ng facilities tulad ng gym o swimming pool. Makakakuha ka ng estimate kung gaano ito kalaki mula sa developer o sa pagtatanong sa mga kalapit na condo. Buwan-buwan ito sinisingil pero pwede kang makamura kung annual ka magbayad.
Pang-apat, kung wala pang gagamit ng condo, kailangan pa ring may tumitingin dito regularly.
Itoý dahil baka may tumulo o tumapon mula sa mga katabing unit na maaring makasira sa unit mo. Kung may balcony ka, baka tinapunan na yan ng upos ng sigarilyo o di kaya baka may bintanang nabasag dala ng bagyo. Nakakadismaya kung sa unang pagtapak mo sa unit mo eh makikita mong may sira o problema agad ito.
Ngayon, kung pagkatapos mong pag-isipan at pag-aralan ang lahat ng iyan ay desidido ka pa ring bumili edi ok.:) Gaya ng sinabi ko sa simula, magandang idea ang pagbili ng condo BASTA pinag-isipan ito ng maayos. Tulad ng dati #aralmunabagoinvest


This was a good article but can be improved in so many ways for our kababayan who will read this.
Suggestions:
1.) Make the list in bullet points
2.) Put a heading before each point.
This will make the article more interesting to read.
Thanks!
Thanks for the suggestion. Will do so.
Kung bumili ka ng.condo…ano ba Pwedeng maging advantage nito in the future…
rent business
Pwede mo itong pa-upahan, tirhan o ibenta para sa mas malaking halaga.
Depende sa iyo kung gusto mong ibenta o paupahan.
Other things that I might want to add to this article.
Condo is a bit expensive if you’re planning to use it personally, with the condo dues and other stuff, plus you can already build a much bigger house somewhere for the amount the you paid for in a unit. Ang upside for condo is its convenience, yes you can build a bigger house somewhere, but in order for you to get into a mall, groceries, schools, offices, you need to travel pa, unlike sa condo, its just a few steps away. For end use, you can highly consider the conveniences that a condo living can offer you and if it can align with your budget.
With regards naman sa investment side of condominium, always strongly consider location! Just like a good business, location is the key. Why? Because you can buy a 32 sqm condo somewhere in a remote region of Metro Manila for half the price, for the same sized unit in Makati. The difference? Makati has more traffic, more traffic (not directly implied to vehicular traffic) translates into bigger business opportunities (ie: rental & condo resale). More people would want to rent or buy your property because there is the convenience factor that a Makati condo can provide versus, lets say a Cainta condo.
Hope this comment of mine can somehow contribute to your decision making when buying a condo!
Its a good artickr actually to educate people to invest wisely but this should be not a hindrance for us to invest. First kung ikaw ay kumikita ng malaki maari mong bayaran ng mas higit sa monthly amortization mo dahil lahat ng over payment will be deducted from the total price. 2nd bank loan is better
You can also add up that upon unit delivery and start of turn over balance financing stage, to make your unit self-liquidating, you can have your unit rented and use the rental income to pay for your monthly bank loan dues. Just make sure their is someone who can take good care of it especially when you are based broad. There are a lot of developers which offer assistance to your rental requirements. Thus, when your unit becomes self-liquidating, it will no longer depend much on your regular monthly salary to pay for monthly condo loan dues.
what are the options if suddenly you cannot continue paying the pre-selling monthly fee?
Either a partial refund, or a transfer of credits to other project. With regards to partial refund, it is only applicable if you have reached a certain percentage of the total price.
pwede po ba e.benta sa iba while on going pa ang payment ng condo? How about sa mga clubs naman po, like club resort or any exclusive na may membership fee. Mabibilang po ba ito sa mga tinatawag na invesment or ano pong benepisyo ang makakamit dito?
I suddenly hindi kana maka bayad, then may grace period kapa. 30days extension, without interest yan. That is only applicable once in every 5yrs. Then, if di mo na talaga kaya mag bayad, and naka abot ka ng 24mos you are entitled of a 50% refund. If 23mos and below ka nag bayad, wala kang refund.