BY TONI TIU
Ang pamagat ng kwentong ito ay hiniram sa isang napakasikat na kanta nung 1980s. Ang una niyang linya ay “Sayang ang mga sandaling pinalipas ko…” Bagay na bagay sa usapan natin. Ang ikekwento ko ngayon ay hindi kwentong pag-ibig. Ito ay ang kwento ng mga leksyon na sana’y natutunan ko nung kabataan ko, para mas napaaga ang pag-alaga ko sa aking ipon.
Kung maibabalik ko lang, sana’y mas nabigyan ko ng kapahalagahan ang baon o allowance nung bata pa ako.
Ang tingin ko sa allowance ko nung ako’y nag-aaral pa ay reward. Dahil dito, madalas ako bumili ng mga snacks pang-merienda – Drumstick na ice cream, barbecue at Zesto, grilled cheese sandwich. Minsan napapabili ako ng cute na stationery o black na Pilot ballpen sa bookstore ng school namin. Kung ako ay may time machine, dadalhin ko ang sarili ko sa panahon nung 6 years old ako. Tuturuan ko ang sarili ko na magtipid nang masmabuti — na ang baon o allowance ay pwede namang tipirin! Sasabihan ko ang 6-year-old na wag masyadong manggigil sa pagbili ng snacks! Wala kasi akong konsepto ng pagtitipid noon.
Ngayon na may anak na ako, naniniwala ako na bata palang pwede nang turuan magtipid. Magandang simulan ng leksyon sa pagtitipid ang baon. Simpleng leksyon lang naman: tipirin ang kalahati sa coin bank at ang kalahati ay i-enjoy. Kapag paulit-ulit itong ginawa, magiging habit ito at masmadadalian akong magtipid paglaki. Sanay-sanay lang yan diba!
Kung maibabalik ko lang, sana’y nagbukas ako ng account sa bangko kahit bata pa ako.
Intimidated ako sa bangko eh. Kahit noong teenager pa ako, naiilang ako sa mga bangko. Parang napakastrikto, seryoso ng mga tao doon at parang hindi ka seseryosohin pag bata kang pumasok sa bangko. Syempre lahat yan ay mga kathang-isip ko lang. Inunahan kasi ako ng takot at kaba eh. Sana pala ay natanggal ko ang kaba ko sa bangko para nakapagbukas ako ng sarili kong savings account. Isa rin itong magandang motibo para makapagtipid ng mahusay. Kung nawalan ako ng kaba dati pa, sana ay mas naintindihan ko na rin nang maaga ang usapang mutual funds, time deposit at iba pa. Hassle talaga ang kaba!
Kung maibabalik ko lang, sana’y naging less impulsive ako sa paggamit ng credit card!
Una akong nagka-credit card pagkatapos ng kolehiyo. May kiosk sa paaralan naming bago mag-graduation, at feeling-feelingan akong “Uy, adult na adult siguro ako kung may credit card ako.” Hala. Mali. Kumuha ako ng card, wala naman kong trabaho. Naaalala ko pa ang una kong binili – puting Keds na shoes. Nung narinig ko ang tunog ng approval ng credit card (yun tunog-dot-matrix-printer), tuwang-tuwa ako.
Doon nagsimula ang pabigla-bigla kong paggamit ng card. Nabaon ako sa utang at pinagsisihan ko yon! Ilang taon din bago ko nabayaran ang pagkakamali ko sa mapusok na pamimili. Ok lang naman ang credit card, lalo na for emergency purposes, pero ayoko nang maulit yun!
Sabi din sa kanta “Bakit ba ang pagsisisi nasa huli? Ang mga lumipas ay di na maaaring balikan.” Totoo naman ito! Kahit wala akong time machine at hindi ko makakausap ang sarili ko sa nakaraan, natuto ako sa mga pinagdaanan ko. Mas maingat na ako sa aking ipon. Mayroon din akong anak ngayon. Para rin sa kanya ang mga leksyon na sana’y natutunan ko nung kabataan ko, para maaga niyang mapangalagaan ang kanyang magiging ipon.
super liked. this story gave me an idea. tnx
Ganda dmi q na22nan sa kwen2
tama gagaygin ko rin yan
More learn ..
Sayang kung maibabalik
Ko lang din..
Yey! I am a thirteen year old girl which have a very wonderful mom. She let me go through my fears. Now, I have my own savings account.
Now, I don’t have anything to worry when I grew up.
Thanks for the story! <3
Haha yan din kwento ng kuya ko sakin eh
kung sana daw imbis na billiards inaatupag nya nung kolehiyopa sya .. Blah blah heha 

(y)
Eto ko ngayon, punong puno ng pangaral sa kanya.
I love you kuya bry! :* aangat din tayo
We have our own regrets, but it’s not yet late to change today. If we chose not to save/invest money it the past, it’s never too late to decide to save/invest today.