Magkano Ang Laman Ng Wallet Mo?


BY TONI TIU

“Magkano ang laman ng wallet mo?” Huwag kang mag-aalala, hindi ako hihiram ng pera! Pero sa pagsagot ng tanong na ito, huwag mong titingnan ang wallet mo. Isipin mo muna kung magkano nga ba ang laman nito. Walang dayaan! Isip, isip. Okay. May sagot ka na? Okay, game. Buksan ang iyong wallet at tingnan kung magkano nga ba talaga ang laman ng wallet mo. Tumpak ba ang iyong sagot? Humigit ba o kumulang?

laman
Ang simpleng tanong na “Magkano ang laman ng wallet mo?” ay isang halimbawa ng pagiging maingat sa iyong paggastos. Kapag alam mo kung magkano ang laman ng wallet mo, mas magiging conscious ka sa iyong paglabas ng pera.

Halimbawa, ikaw ay napadaan ng tiangge. Alam mong 200 pesos eksakto ang laman ng wallet mo. May nakita kang napaka-cute na kwintas. “Magkano ito, Ate?,” tanong mo sa tindera. “120,” sagot naman ni Ate. Dahil alam mong 200 ang laman ng wallet mo, mas madali kang makakagawa ng desisyon. Maaaring alam mong kulang ang kalalabasan dahil 80 pesos nalang matitira sa wallet mo, at may iba ka pang masimportanteng gastusin para sa araw na iyon. “Ah okay, thanks nalang Ate,” sasabihin mo sabay lakad paalis ng tiangge. Kahit ano pang pilit ni Ate na bigyan ka ng discount, mas confident ka na maglakad paalis dahil alam mo for sure na hindi sapat ang ilalabas mo na pera.

Kung hindi mo naman alam kung magkano laman ng wallet mo, maaaring ganito ang mangyari. “100 nalang, Ate,” maaari mong sabihin. Pumayag si Ate. Bumunot ka ng isang daan sa wallet mo at nakuha ang iyong cute na kwintas. Paalis ka na nang makita mong 100 nalang pala ang laman ng wallet mo. Naku, eh may lakad ka pa – sapat pa ba yon para sa pamasahe? Pangkain? Pangload? Edi mag-aalala ka pa nang hindi naman sana kinakailangan.

“Magkano ba laman ng wallet ko?” Subukan niyo ito uma-umaga. Bago umalis ng bahay, i-tsek ang wallet simula papel de bangko hanggang pinakabarya. Ang simpleng praktis ng pag-alam kung magkano ang laman ng wallet ay nakakatulong sa pagiging maingat sa pera.

Toni

Footer basic janjpg


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *