Making Sense of the Metro Bank Stock Rights Offer


Ngayong lumabas na ang mga detalye ng Metrobank Stock Rights Offer (SRO), pwede na nating sagutin ang mga sumusunod:

MBT SRO PIC

ILANG SHARES ANG PWEDENG BILHIN?

Divide mo yung MBT shares mong hawak by 6.3045. Round it down. Yan ang SRO shares na pwede mong bilhin. So, kung may 100 shares ka ng MBT ngayon, pwede kang bumili ng 15 shares (100/6.3045=15.86)
Magkano? 73.50

ANO ANG MANGYAYARI SA PRESYO NG MBT?

MALAMANG, bababa ito. Hanggang saan? Hindi ko alam. :)

ANO ANG DAPAT GAWIN?

Kung wala kang budget para sa SRO, benta mo na lang shares mo kasi malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo bunga ng SRO. Kung sasali ka naman sa SRO, siguraduhin mo lang na wala kang ODD-LOT pagkatapos nito. Hindi mo naman kasi kailangan bilhin LAHAT ng shares na eligible para sa iyo. Pwede kang bumili ng board lot lang.

PAANO AKO BIBILI?

Kausapin ninyo broker ninyo. May form kayong kailangang i-submit. Sabihin ninyo dun kung ilang shares kukunin ninyo.

PWEDE BANG BUMILI NG HIGIT SA ALLOCATION KO?

Pwede kang humingi pero malabong makakuha.

Tandaan, kung balak mo magbenta, kailangan mong ibenta on the day BEFORE ex-date. At kung gusto mong mas dumami ang SRO mo, magdagdag ka ng MBT shares on the day BEFORE ex-date din.


CLICK TO READ PART 1

Aya Laraya

public seminar  ofw


Comments

  1. regena mariano says

    sir paano ba mag invest sa stock market ng metro bank,may mutual fund ako sa soldivo pero gusto kung mag invest sa stock…..thx

  2. JAS says

    Sir Aya, ngayon ko lang nabasa ito. Kumuha ako SRO. 508 na total shares ko as of now. Odd-lot na sya diba? :( Bakit kasi ngayon ko lang ito nabasa. What can you suggest for me to do with this odd lot? Thanks!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *