Lampas 20-taon na akong umiikot sa mundo ng investments at sa loob ng panahong iyon ay may mga tanong na laging lumalabas. Ito ay isang listahan ng mga tanong na iyon kasama ang aking mga sagot.
Kung kayo ay merong tanong na gustong masagutan, padala lang po ninyo sa amin.
ANO PINAKAMAGANDANG INVESTMENT?
Ito ang numero unong tanong na lagi kong nakukuha at ang sagot lang talaga dito ay: “Depende.” Depende kasi ang sagot sa taong nagtatanong at sa kalagayan niya sa buhay. Iba ang sagot dito kung isang bente-anyos ang nagtatanong kumpara sa isang retiradong sisenta-anyos. Para ka na rin kasing nagtanong ng “Ano pinakamasarap na pagkain?”
Mag-aral ka muna. Merong libre sa internet, merong may bayad. Piliin mo ang kaya mo. Pero huwag na huwag kang papasok sa isang bagay na hind mo naiintindihan. Gaya nang lagi naming pinapaalala sa mga sumusunod sa amin: “Aral muna bago invest.”
MAGKANO BA ANG KAILANGAN NG ISANG TAO PARA MAKAPAGSIMULA
Mga lima hanggang sampung libong piso.
SIGURADO BANG KIKITA AKO SA INVESTMENT?
HINDI. Lahat ng lehitimong pamamaraan ng investment ay may kasamang posibilidad ng pagkalugi. Oo, pwedeng maliit lang na posibilidad ito pero meron pa rin. Huwag maniwala kapag merong nag-alok ng isang produktong “Risk-Free”.
MALAKI BA ANG KINIKITA SA STOCK MARKET?
Oo, pero malaki din ang pwedeng ikalugi.
SCAM BA ANG NETWORKING?
Yung iba oo, yung iba hindi.
PAANO MALALAMAN KUNG ALIN?
Pag-aralan mo yung ina-alok sa iyo. Kung may produktong talagang binebenta at maganda naman ang produktong ito, MALAMANG ok ito. Kung puro recruiting ang usapan, medyo tagilid yan. (Subaybayan na lang po ninyo yung mas mahabang artikulo na ilalabas namin sa susunod na linggo tungkol sa networking.)
Hanggang diyan na po muna tayo. Kung kayo po ay may tanong ukol sa pumumuhunan o
pagpapalago ng pera, i-padala lang po ninyo sa amin at susubukan namin itong sagutin. Hanggang sa susunod, “Aral muna bago invest.”


Tanong lang po.taga Oriental Mindoro po ako saan po ako pwedeng mag seminar ng stock na malapit para makapag invest ako sa stock?seaman po ako gusto ko pong madagdagan ng kaunti Yong kita ko..branch po ba kayo sa Batangas or sa Calapan Mindoro. T.y.po
Pwede n po b ako mg invest kc nbgyn po k ng 5k gs2 k po sna ilagay s tma t ki2ta po ako sn po b k mginvest
Thank you so much for your inputs sir and the team. I’m always learning new things everyday, and I advocate it as much as I can to my friends and family. Even trying to explain it on my blog to anyone with an interest with investing etc.
More power!
San po puwede mag-aral paano magset-up ng account sa COL at magbenta at bumili ng stocks?