Ngayong malapit na naman sa 8,000 ang PSE Index, marami ang nag-iisip kung ok pa bang pumasok sa stocks. Nakakatakot nga naman kung papasok ka at biglang bubulusok pababa ang merkado. Pero kung hindi ka naman pumasok ngayon at tuluyan namang tumaas ang index ay siguradong manghihinayang ka din. So, ano ba pwede mong gawin?
Ang maikling sagot ay: Mag Peso-Cost Averaging ka ng isang magandang kumpanya.
Pero epektibo ba talaga ito?
Para sa mas mahabang sagot, balikan natin ang kasaysayan ng PSE mismo sa nakaraang 30 taon.
Pansinin ninyo yung index noong 1987, 1989, 1997, 2007 at 2013.
Source: COL Financial
Yun yung mga taon kung kailan nagtala ng new high ang PSE. Ngayon, sabihin mo ngang malas ka at duon ka sa puntong yun pumasok – ika nga eh “natuktukan” ka.
Kung nag Peso Cost Averaging ka lang nung bumagsak ang market matapos nang pag-akyat, wala pang 3 taon eh kumikita ka na. (Sabi mo naman long-term kang mag-iinvest dito di ba?
Syempre, dapat MATINONG kumpanya ang ginamitan mo ng Peso Cost Averaging kasi kung basura ito eh baka hanggang ngayon eh lugi ka pa.
Tuloy, ang sunod na tanong ngayon eh anong kumpanya ang dapat mong pasukan?
Diyan na papasok ang iyong pag-aaral. Whether bibili ka ng isang stock o ng isang fund, dapat intindihin mo kung ano ang mga nagtutulak sa mga ito, umakyat man o bumaba. Kasi, kung hindi mo yan alam, lagi ka na lang mananatili sa tabi dahil matatakot kang bumili sa kahit ANONG presyo – you will be scared when it is expensive AND when it is cheap.
Sir Aya what is UITF? May blog po ba kayo dto about dun?
tnx