Tama ba o Mali ang Pagpasok ko sa Stock Market?


Ngayong nagbukas sa pula ang merkado, maraming baguhan ang medyo nagdadalawang isip kung tama ba o mali ang ginawa nilang pagpasok sa stocks. (Klaro lang: Para sa akin, baguhan ka pa kung wala ka pang isang taon sa market. :) )

So, eto lang mga mapapayo ko:

1. Kung ngayon pa lang eh hindi ka na makatulog o na-stress ka na. Kailangan mo pa sigurong mag-aral. :) HINDI sigurado ang pag-kita sa stocks. MARAMI ang nalulugi at dapat handa ka diyan.

2. Kung “Long-term” ka at 5 to 20 years mo to balak hawakan, bakit ka stressed? :) Di ba dapat bumibili ka pa lang ngayon?

3. Huwag kasi mainggit sa mga nakikita o nababasang malaki na ang kinita. Karamihan diyan dumaan din sa pagkalugi.

4. Kaalaman, pera, panahon at tiyaga ang kailangan para kumita sa stocks. Hindi mo ito pwede madaliin. Huwag mong i-expect na susunod sa schedule mo ang pag-akyat-baba ng market. IKAW ang makibagay sa market. :)

5. Ngayon, kung nag-aalinlangan ka pa din, balik tayo dito: ‪#‎AralMunaBagoInvest‬

In other news: Empress Schuck admits being pregnant.

Aya Laraya

Footer basic janjpg


Comments

  1. says

    ganda na sana nang article,biglang nasali si Empress na idol ko,by the way nong nag umpisa ako,nxtweek yolanda na,guess what happen sa stock market?yang BDO 60/share nalang e kung binili mo ng 80/share?luge ka kaagad,kaya patience ang kinahanglan bai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *