The Metrobank Stock Rights Offer


MBT title
Medyo marami na din ang nag-email na nagtatanong tungkol sa Stock Rights Offer or SRO ng Metrobank kaya sabay-sabay ko nang sasagutin dito.

Ano ba ito?

MBT SRO PIC


Ang SRO ay isang karapatang binibigay sa mga kasalakuyang humahawak ng shares ng Metrobank na bumili ng karagdagang shares ng Metrobank. Hindi ito obligasyon. Kung ayaw mo, ok lang.

Para saan ba ito?

Ito ay isang paraan para makapaglikom ng karagdagang pera ang isang kompanya. Kadalasang ginagamit ang perang ito para palakihan ang negosyo ng kompanyang nagbigay ng SRO. Madalas ding gamiting pambayad utang ang perang nalilikom mula sa SRO.

Gaano karaming shares ang pwede kong bilhin?

Hindi pa sinasabi kung ilan pero sa hula ko, pwede kang bumili ng isang (1) bagong share ng Metrobank sa bawat lima at kalahating share (5.49 actually) na hawak mo ngayon. So, divide the number of shares of Metrobank you have by 5.49 to get how many new shares you can buy.

Paano mo naman nakuha yan?

Sa ngayon, merong 2,744,801,066 shares ang Metrobank o MBT. Balak daw nilang magbenta ng hanggang 500,000,000 shares sa SRO. Dahil ang bawat share ay may equal na karapatang bumili ng bagong share, divide mo lang yung dalawa para makuha kung ilang lumang share ang kailangan mo para makabili ng isang bagong share. Kung mas mababa sa 500,000,000 ang ibebenta sa SRO, mas maraming lumang share ang kakailanganin mo.

Paano pag may butal ako?

Malas mo kasi round-down ang gagawin ng MBT. Tapos, malamang magkakaroon ka pa ng odd-lot na mahirap mabenta. Lugi talaga sa mga ganito ang maliliit na stockholder.

Magkano ko naman mabibili ang bagong share?

Hindi pa sinasabi. Sa March 10, 2015 pa ito malalaman.

Ano mangyayari sa stock price ng MBT?

Malamang malalaglag ito kasi ang mga SRO ay kadalasang binebenta sa presyong mas mababa sa merkado. Sa ganitong paraan mapipilitang kumuha ang mga shareholder kasi kung hindi mananatiling mataas ang average cost nila kumpara dun sa mga kumuha ng SRO. Again, lugi maliliit na shareholders sa ganitong usapan kasi hindi naman lahat ay may pera para bumili ng SRO.

Ano mangyayari dun sa mga stock rights na hindi binili?

Ibebenta ito sa mga shareholder na gusto pang bumili para lalong bumaba ang average cost nila.

Kung gusto ko ng SRO, pwede pa ba ako bumili ng shares ng MBT?

Pwede pa. Pwede kang bumili hanggang March 12. Pag bumili ka ng March 13 or later, hindi ka na kasali sa SRO.

Kelan ko pwede ibenta yung bagong shares?

Sa April 7, 2015.

Ok, so yan ang mga sagot sa mga usual na tanong ukol sa MBT SRO. Hope nakatulong yan sa inyong lahat.

Feel free to share this sa mga friends / groups ninyo na nagtatanong. :)


CLICK TO READ PART 2

Aya Laraya

public seminar  ofw


Comments

    • says

      Wala kang rights to claim SRO Kasi nga wala kang stocks sa kania.. Current shareholders are given this preference to maintain their shareholding percentage…. Pero may chance kang bumili ng shares at a lower price sa stock market..

  1. Brendon says

    Like the other comment, pwede ba ako bumili kaht di ako stockholder ng metrobank? isang ordinaryong mamayan? Salamat!

  2. Nysa says

    hi! i have MBT stocks now. pano ba i-exercise yung stock right? automatic ba yun na starting March 13, 2015 (ex-date) til the end date ng SRO ni MBT pag bumili ako ng additional shares discounted price na yung mabibil ko?

  3. James says

    How drastic would be the decline of share prices once they release the SRO? Will it significantly impact the smaller share holders?

    Thanks.

  4. Kenshin says

    Pwede ka nman bumili kahit wla kang stock rights thru PSE… Usually pag may mga stock rights offer bumababa rin ang market price…. Kaya abangan na lang ang susunod na kabanata… At bumili pag bumaba na..

  5. Vher says

    If kawawa naman ang maliliit na shareholder then, Is it better to sell the stocks habang mataas pa ito kesa bumili ng SRO. What is your advice?

  6. Garry says

    Hi admin,

    Meron akong MBT stocks, Kung bibili ba ako ng rights na offer nila, dagdag naba yun sa ordinary shares ko? Wala bang period na kelangan ebenta yun? nasa akin naba kung hayaan ko muna sya ng ilang taon saka ko ebenta? Kasi may nabasa akong blogs na meron daw period required sa paghawak at kelangan ebenta,,Tama ba yun?

    Please advise.

    Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *