Tipid Araw-Araw


TipidBY TONI TIU
Mahirap magtipid. ‘Yan ang iniisip ko dati, kaya naman hirap talaga ako magtipid. Pagdating ng sweldo, kung anu-anong style na ang sinubukan ko. Nasubukan ko ang “50/30/20 budgeting rule.” Ang ibig sabihin nito ay maglalagay kayo ng 50% ng inyong kinikita sa mga necessities or araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, kuryente, upa sa bahay, damit. Ang 20% naman ay ilagay sa long-term savings o pambayad ng utang, tulad ng car loan. Ang 30% naman ay para sa “lifestyle choices.” Ito yun mga hindi naman kailangan talaga ngunit nakakapagbigay saya kahit papaano – pagkain sa labas, bayad sa cellphone, bakasyon, etc. Sinubukan ko ito ng ilang buwan at epektibo naman ito.

Pero may isa akong natutunan na technique na mas epektibo. Ito ay ang pagtala araw-araw ng aking gastos.

Sinubukan ko ito noong Pebrero. Bawat labas ng pera sa aking bulsa ay tinala ko sa isang maliit na notebook. Heto ang ilang mga halimbawa mula sa aking mga record:

Tipid Araw Araw

FEB. 24

Starbucks – P115
Gamot – P240
Taxi – P340
Total: P695

FEB. 25

Pasalubong kay Mama – P154
Groceries – P610
Taxi – P400
McDo Merienda – P131
Taxi – P300
Total: P1595

Tinuluy-tuloy ko ito ng ilang linggo. Napansin ko na ang laki pala ng aking “eating out” expenses. Starbucks, McDo, pagbili ng packed lunch kay Manong… Akala ko ay konti lang ang nagagastos ko sa pagkain yun pala ay pinagsama-sama – napakalaki!

Nang mas naging conscious ako dito, nagsimula ako magbaon. Ang laki ng aking natipid. Pati sachet ng kape sinimulan ko nang baunin para hindi na ako bumisita sa mga komersyal na kapehan. Tipid mode on!

Nahirapan ako nung una. In denial ako na napakalaki ng gastos ko sa kung anu-anong bagay na pwede namang tipirin pala. Ang disiplina ng pagtala ng iyong mga gastos ay nagbubukas sa inyong isipan kung papaano kayo gumastos – saan madalas mapunta ang pera, kung pangangailangan ba ang mga ito, etc.

Doon ko natutunan na “It’s when we pay attention to the little things that the bigger picture becomes clearer.” Kung gusto marating ang pag-ipon ng at least six months ng sweldo ko sa savings account ko, marami akong dapat baguhin sa pang-araw-araw na gastos ko.

Hindi pala mahirap magtipid basta’t alam mo ang galaw ng pera mo. Sa pamamagitan ng pagtala sa aking notebook, mas nakakapagtipid ako ngayon at masnadidisiplina ko ang ang aking sarili sa paggastos.
Toni


Comments

  1. Lester says

    I used Instant Coffee on stick(which is only 1.50 pesos per stick) instead of 3 in 1 coffee (6 pesos dito sa amin) :D. Mura na and you have a control on the amount of sugar on your drink.

  2. says

    I was just a highschool student. Pero gusto ko na talagang malaman kung paano magtipid. Kasi naawa na ako sa magulang ko. Apat kaming magkakapatid. Magkokolehiyo na ako this year so dapat ko ng simulan ang pagtitipid dahil dalawa kaming pinagaaral ng magulang ko sa kolehiyo. And then I read it. At may napulot akong aral. Noon kasi puro shopping lang ang inaatupag ko. Until the time comes na kailangan ko ng pera para sa projects sa school. Naalala ko yungga nagastos ko noon , sinabi ko sa sarili ko, sana tinago ko muna yun. Kaya nagsisisi ako. Ngayon, sisimulan ko na talaga magtipid. I inspired much dahil sa kwentong yan. Great!

  3. Chonz says

    Same here. It all started last March 30 2014 . When I’m looking for my money .. why suddenly yung nabaryahang 500 eh coins na lang??? OA pero alam ko madami naka-relate. haha well, ganun na nga and sa excel spreadsheet ko siya religiously ginagawa as in before i go to bed i’ll encode lahat ng nabili ko and kung ano ang pumasok sakin na pera , actually may hiwalay pa akong excel for my tracking ng credit card expenses ko . Kahit nga list ng grocery items ko andun kaya alam ko kung saang supermarket ako makakatipid and alam ko din kung kailan nagtaas ang presyo ng Chicken Nuggets at Maling , at ang Yakult lang ang napapansin kong walang increase! whoalah! Basic accounting it is . :D

  4. says

    That’s inspired me too .. Were not rich were not poor too . as easy words were just simple eating 3 times a day . but one day
    My Lola gave me a lot of money wala Aq ginawa shopping there shopping here. until one day our professor announced we were have a exhibit . SHOCK I don’t have much money for that . that the lesson I learned ..
    Dapat pala ang pera ginagastos lang sa kailngan di kaluhuan ..

  5. says

    Thanks sa tipid tips, pg dting ng sweldo ko, i swear gagawin ku din yan, para makatipid makapag ipon narin. Thank u thank u thank u

  6. Elbert Mancila says

    I heard about this from a colleague and I was in doubt if it will be effective. Upon reading this story, I am convinced then to try. Thanks a lot …

  7. allan p says

    this helped me a lot.
    dun sa mga nagcocomplain about their earnings. . .may nagsabi sakin “it’s not how much you earn, but how you save.

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *