Usapang Insurance (at Mana) Part 1


mana
Halos lahat ng financial agent, adviser, advocate at kung ano pa ay naniniwalang kailangan ng isang tao ng insurance. Lalo na ng life insurance. Kaso, kapag tanungin mo ang karaniwang Pinoy, marami sa atin ang hindi kumukuha nito. Para sa marami, para daw nagtatapon ng pera kasi hindi naman kailangan. Andyan din yung kakulangan ng tiwala sa mga nagbebenta ng insurance – sa totoo lang maraming kwento at tsismis ang nagkalat tungkol sa mga ahenteng nawala na lang matapos makabenta. Kaya, sa pagkakataong ito, tignan natin ng mabuti ang insurance at pag-usapan ito.

insurance at mana

Para saan ba yan?

Maraming dahilan para bumili ng insurance – para sa kotse, para sa negosyo o para meron kang pang-ospital; kaya dapat ang kukunin mo ay yung produktong angkop sa pangangailangan mo. Para sa usapang ito, tutukan natin ang isang importanteng dahilan para kumuha ng insurance: bilang PAMBAYAD SA BIR.

Huh? BIR? Ano naman kinalaman ng mga yan?

Ganito kasi yan. Kapag ang isang tao ay namatay, ang karamihan ng kanyang mga ari-arian ay hindi mapupunta sa kanyang pamilya hanggang hindi nababayaran ang BIR. Hindi malilipat sa kanyang mga naiwan ang pera sa bangko, titulo ng lupa / bahay, stocks, mutual funds, etc. hangga’t hindi nababayaran ang tinatawag na estate tax. Kahit may “Last Will and Testament” pa, kailangan munang mabayaran ang estate tax bago pwedeng pag-hatian ang mga ari-arian.

Kung ganun, de ibenta na lang yung ibang bagay para may pambayad.

Kung pwede lang nga sana.:)

Kaso, ayon sa batas, hindi pwedeng ibenta ang mga ari-arian para sa layuning ito. Lalo na kapag lupa o bahay ang pinag-uusapan natin. Bayad muna bago benta. (LOL)

Wala bang ibang paraan?

Sa totoo lang, meron din naming ibang paraan. At pag-uusapan natin yung mga yun sa susunod na
kabanata. :D

In other news: Fast and Furious 7 opens to blockbuster figures over the weekend.

Aya Laraya


CLICK HERE TO READ PART 2

Footer basic janjpg


Comments

    • NHSegovia says

      Hindi rin po. Actually, it is considered perjury to use a dead person’s bank account. Pag nalaman na rin po ng bank na patay na ang may-ari, they immediately freeze the account until the estate tax is settled.

  1. tin says

    Hi po.
    Yung sa life insurance po ba na guaranteed amt, kumpleto at wala syang tax/bawas na makukuha ng beneficiaries?
    Thanks po sa sasagot. :)

    • Aj Alejo says

      Pag irrevocable po ang beneficiaries, yes, wala pong tax. If not, may tax po. Do you want to attend an Estate Planning Seminar? Please text me. 0923 654 8961.

    • NHSegovia says

      Kapag irrevocable beneficiaries po, estate tax free na po but the downside is you can not make major transactions (i.e policy loans or withdrawal of dividends if any) on your life insurance policies without their consent. But there is a new ruling, di ko lang masabi kung anong R.A. kasi kalalabas lang, that after an X number of years an insurance proceed of a REVOCABLE beneficiary is already considered estate tax free.

  2. penoayako_31 says

    Kaya meron tinatawag na estate planning. Ayusin na lahat ng maiiwan bago pa pumanaw ng di mahirapan ang maiiwan at di makurakot ng bir lahat ng pinaghirapan mo…

  3. grace says

    Kahit ba ordinaryong tao sisingilin pa ng estate tax?walang trabaho tanging bahay lang ang napundar nung time n nagwowork pa.

    • Aya Laraya says

      Kapag halos wala pong assets, wala pong tax.
      Kapag wala pa po sa 200,000 pesos ang halaga ng LAHAT ng ari-arian ng yumao, wala pong tax yan. :)
      Pag lampas 200,000, meron na pong tax. :)

  4. Loi G says

    Sir kahit daw wala naassign na irevocable beneficiary basta wala changes sa nilistang beneficiary since isign ang policy eh tax exempt pa rin ung maiiwan sa beneficiaries?

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *