Usapang Insurance at Mana Part 2


mana 2Bago po tayo tumuloy, ilang bagay muna ang kailangan klaruhin. Una, insurance ang pinag-uusapan natin dito. Ibang-iba ito sa pre-need na nag-collapse nung 1990’s. Pangalawa, HINDI imposibleng bumagsak ang isang insurance company sa darating na panahon. Pwedeng mangyari yan – lalo na kung bobo o kurakot ang nagpapatakbo nito. Pero kahit anong negosyo naman ay pwedeng bumagsak talaga di ba?

manas 2
Anyway, tuloy ang usapan….

Kung ayaw ko ng insurance, ano pwede kong gawin?

Oo, naiintindihan ko na para talagang nagtatapon ka ng pera so ano ba pwede mong gawin? (Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang suhestiyong mababasa o maririnig natin kung saan-saan. In my professional opinion wag natin itong subukan. Bakit? Ituloy niyo lang ang pagbasa. :))

Magtabi na ng pera mismong nakalaan para sa estate tax.

Ok, sige. Saan mo ilalagay? Sa bahay? Sa safe-deposit box sa bangko? Pwede siguro ito pag konti pa lang ari-arian mo pero pag may bahay at lupa ka na, saan mo itatago yan sa bahay mo? Tandaan natin, hindi pwedeng nasa pangalan mo ang pera. Kahit naka-joint account pa yan, hindi yan dapat ginagalaw kapag ang isa sa depositors ay yumao. (Check niyo fine print ng savings at checking accounts ninyo, andun yan. :))

Pwede mong ilagay sa pangalan ng anak mo pero pag lampas 18 na siya, pwede niyang kunin yan sa gusto mo o hindi. At kung joint man kayo, hindi niya dapat galawin yan hanggang hindi nababayaran ang estate tax.

Ibigay na sa anak / asawa mga ari-arian.

Pwede. Kaso kung malaki na halaga – bahay, lupa, kotse halimbawa, may Donor’s Tax naman yan. Kailangan mo din ng abugado o accountant para lumakad ng papeles ng maayos. At wala nang bawian yan. At dapat ba yang ginagawa pag 40-anyos pa lang ang isang tao? By then, malamang may bahay at anak na ang karamihan so ililipat mo na sa bata yung titulo ng lupa / bahay mo?

Suma total, kung gusto mo nang ibigay agad sa mga tagapagmana mo ang mga naipundar mo, tignan mo kung mas malaki ang Donor’s Tax na babayaran mo kesa sa ibabayad mo sa insurance.

“Ibenta”sa anak ang ari-arian.

Illegal ito kung walang kakayahang bumili yung anak ninyo. Tignan niyo lang yung kaso nung anak ni Napoles. Kinukwestiyun kung paano siya nakabili ng mamahaling bahay eh wala namang karampatang kinikita o sweldo.

Ipaubaya na lang sa mga anak / tagapag-mana kung saan kukuha ng pambayad.
Pwede din kaso dito nagsisimula ang away. Kasi, papayag ka ba na mas malaki ilalabas mong pera tapos pareho lang kayo ng makukuha? Or, porke be mas maliit ang kaya mong ilabas eh dapat lugi ka sa mana?

Magtayo ng korporasyon o trust

Ito na siguro ang pinaka-realistikong suggestion kung ayaw mo talaga sa insurance. Kaso, may gastos din ito taon-taon. Iba pa yan sa oras at gastos na gugugulin mo para i-setup ang korporasyon / trust sa simula. Hindi ito birong gawin pero ito ang isang paraan na ginagamit ng mga mayayaman talaga para mapababa ang babayaran nilang estate tax.

Sa huling salita, kung ayaw mo ng insurance, de kalkulahin mo na lang ang magiging Donor’s Tax mo at i-donate mo na ngayon. Or, magtayo ka ng korporasyon o trust ngayon pa lang.

Tandaan lang natin: Huwag ninyo nang subukang makipag-patintero pa sa BIR. Magaling ang kalaban. Paghandaan ninyo na lang ng maayos. :)

Sa ikatlong bahagi, pag-uusapan naman natin kung paano magsimula kung gusto mo ng insurance.

At para lang po klaro: HINDI po ako nagbebenta ng insurance. Policy-holder lang ako. :)

In other news: Bianca King reveals that Dennis Trillo broke up with her via text message.

Aya Laraya


CLICK HERE TO READ PART 1

Footer basic janjpg


Comments

  1. Cj Daverao says

    Maraming salamat Pesos and Sense sa napakamayamang topic na to. Makakatulong po talaga ang topic na to para sa mga fans ninyo. Para po sa gustong bumili ng insurance o investment with insurance, contact me po. I am Cj Daverao, Insurance and Financial Advisor po from Manulife Philippines. Here is my contact number 09109359474. Thanks po! God Bless!

  2. Julius says

    Hello po. Bakit hindi pwedeng galawin ang deposits/cash sa banko ng yumao kahit joint account pangbayad sa estate tax? Diba kasama yan sa estate ng yumao? Ang sabi ng LAW/BIR “Payment of Estate Tax by installment – In case the available CASH OF THE ESTATE is not sufficient to pay its total estate tax liability, the estate may be allowed to pay the tax by installment and a clearance shall be released only with respect to the property, the corresponding/computed tax on which has been paid. (Section 9(F) of RR 2-2003)”. At saka pano nagagamit ang life insurance eh kasama ito sa estate ng yumao kapag ang inusrance ay hindi irrevocably appointed?

    • says

      1. Di po mawiwithdraw ang pera sa banko kahit joint account kasi po kailangan po munang mabayaran ang estate tax mula sa depositong ito. Parte po kasi ng estate nya ang deposito sa banko kaya kailangan po munang mabayaran ang estate tax. nakalagay po itong inpormasyon sa inyong libreta o withrawal slip.
      2. Dalawang klase po ang insurance claims, isa pong revocalbe at irrevocable, pag revocable po eh subject pa din ng estate tax while irrevocable po eh di na subject ng estate tax. Malamang sa part 3, sasabihin po nila ang difference nitong dalawa na to. In short po, sa batas, lagi po mauuna ang estado sa mga bayarin ng yumao. Kailangan munang maibigay ang parte ng estado bago makuha ang parte ng heirs at creditors

  3. Dave says

    Pagnatigok ba ang tao alam agad ni bir yan? Pano kung alam pin ng atm
    nung family, tapos nagwidraw, pambayad sa burial….

  4. yoona says

    helow po!!!!

    pwdi ho bang iforward niyo sa akin ang finalized schedule ng mga seminars via text???
    kung pwdi po ito po yung # ko:
    09072959698. mhilig po kasi akong pumunta at dumalo ng seminars eh.. salamat & more power!!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *