Usapang Social Security System (SSS) Part 1


sss-logo-medium

Usapang SSS
Medyo mainit na isyu ngayon ang pag-veto ni PNoy sa pag-taas sa Social Security System (SSS) benefits. Medyo maanghang na nga ang palitan ng salita sa ilang mga forum. At may ilan na ding nagtanong kung ano tingin ko sa isyung ito.

Una, gusto ko lang malaman kung lahat ng mga nagrereklamo sa hindi pagtaas ng benepisyo ay maayos na nagbabayad ng mga premium at mga INUTANG nila sa Social Security System (SSS). Kasi kung hindi, siguro dapat tumahimik na lang tayo. :) Bago po natin siguro ipaglaban ang “karapatan” natin sa mas malaking benepisyo eh tugunan po muna natin ang mga RESPONSIBILIDAD natin dito. :)

Ngayon, kung ikaw yung isa sa nakararaming mga Pilipino na maayos na nagbabayad at umaasa sa Social Security System (SSS), medyo may masamang balita ako sa iyo: Ang sistema ng Social Security System (SSS), sa kasalukuyang pamamalakad nito, ay halos siguradong magkukulang. Bakit?

Kasi ang sistema ng Social Security System(SSS) ay nangangailangan ng maraming mga batang nagcocontribute para may makuha ang mga matatanda. Hindi ito sustainable kapag mas madami nang matandang kumukuha ng Pension kaysa sa mga batang nagcocontribute dito.

Yung mga investments kamo? Nagkakamali din mga fund managers niyan. (Tignan niyo na lang kung anong stocks ang binili ng Social Security System (SSS) at kung ano naging performance ng mga ito.) Nalulugi din mga investments nila at lumalala ang pagkalugi sa oras na marami nang miyembro ang kumukuha ng pension. (Ganun din kapag hindi nagbayad ng maayos ang mga umutang dito.)

Kung gusto mo ng halimbawa, tignan mo ang nangyayari sa United States (U.S.) at Japan. Sa Japan, ang daming matatandang umaasa sa mga benepisyo mula sa gobyerno at kinukulang na ang pera ng gobyerno nila. Ganun din sa Amerika. Sa tingin ninyo, bakit NAPILITAN si Obama na baguhin ang Health Care system ng United States (U.S.)? Kasi ang United States (U.S.) mismo ay kapos na sa pera. Ngayon, naniniwala ka ba na ang mga politikong nagpapalakad ng Social Security System (SSS) dito ay mas magaling pa kesa sa mga katulad nila sa United States (U.S.) at Japan? :D

So ano pwedeng gawin?

IKAW ang magplano para sa retirement mo. Nakakatawa nga minsan na ang mga taong nagsasabing, bobo, tanga at walang silbi ang gobyerno natin ay siya ring mga taong umaasa na aalagaan sila ng gobyerno. Weird di ba?
Hindi mo alam kung ano gagawin mo? Mag-aral ka at isabuhay mo ang na-aral mo. Yung lang naman sagot diyan eh.

Sa huling sabi, nasa kamay mo ang kapangyarihang paghandaan ang retirement mo kaya gamitin mo ito. Huwag mong hayaang mauwi sa pagsisisi ang pagreretiro mo.

‪#‎aralmunabagoinvest‬

Sa ibang balita:
Ciara Sotto, iniwan na ang asawa at bumalik sa mga magulang kasama ang 11-buwan anak na lalaki.

aya-description3

Footer-basic-Investing-Seminar